Ang kuwento ng Huling Hapunan noong gabi bago ang pagpapako kay Kristo sa krus ay iniulat sa apat na aklat ng Bagong Tipan (Mateo 26:17–29; Marcos 14:12–25; Lucas 22:7–38; at I Mga Taga Corinto 11:23– 25). Bilang isang mabuting hudyo, Si Jesus at ang mga apostoles ay naghanap ng isang lugar at silid kung saan nila gugunitain o ipagdiriwang ang “Passover” o Paskua.
Ang pangunahing pagdiriwang sa panahon ng tagsibol ng mga Hudyo ay ang pag gugunita ng Paskua – ang pagpapalaya ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto, na tumatagal ng pito o walong araw. Ipinagdiriwang ito mula sa ika-15 araw ng buwan ng Nisan (Marso-April). Ang sentro ng kapistahan ay ang Hapunan (Seder Meal).
Ang Hapunan ng Paskua ay nahahati sa apat na bahagi.
Una, ang paunang hain ng pagkain ay binubuo ng isang pagpapala sa pagdiriwang (kiddush) na binibigkas sa unang kopa ng alak, na sinusundan ng paghahatid ng isang ulam ng mga halamang gamot.
Kasama sa ikalawang hain ang pagsasalaysay ng Paskua at ang “Munting Hallel” (Awit 113), na sinundan ng pag-inom ng ikalawang kopa ng alak.
Ang ikatlong hain ay ang pangunahing pagkain, na binubuo ng inihaw na tupa at tinapay na walang lebadura, pagkatapos nito ay ininom ang ikatlong kopa ng alak, na kilala bilang “kopa ng pagpapala.”
Ang Paskuwa ay nagtapos sa pag-awit ng “Dakilang Hallel” (Mga Awit 114-118) at ang pag-inom ng ikaapat na kopa ng alak.
Hindi mababasa sa bagong tipan ng bibliya ang detalye kung papaano nila ginagawa ang Hapunan bagkus ang detalye ay mababasa sa lumang tipan. Bilang isang hudyo, ang mga manunulat at magbabasa ng Ebanghelyo ay naiintindihan nila kung papaanong ginawa ang Huling Hapunan ni Kristo.
Subalit mapapansin sa mga talata sa ebanghelyo ang paginom ng ikatlong kopa ng alak. “At nang sila ay umawit ng isang himno, ay nagsilabas sila sa Bundok ng mga Olibo” (Marcos 14:26). Walang sinasabi ang mga ebangelista na kumain sila ng inihaw na tupa (dahil si Kristo ang tupa). Pansinin din na pag katapos ng ikatlong kopa ng alak ay bumaba na sila sa nula silid at nagpunta sa burol ng Olibo na kung saan nag dasal din si Kristo sa Getsemani.
Hindi lamang kapansin-pansin ang pagkukulang ng Huling Hapunan, lumilitaw na binibigyang-diin ito ng mga salita ni Jesus sa naunang talata: “Katotohanan, sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling iinom ng kopa na bunga ng puno ng ubas hanggang sa araw na iinumin ko itong bago sa ang Kaharian ng Diyos” (Marcos 14:25). Para bang sinadya ni Jesus na huwag uminom ng inaasahan niyang inumin- ang ikaapat na kopa.
Naging mas maliwanag ang ikaapat na kopa sa panalangin ni Jesus sa Halamanan ng Getsemani. Pansinin kung ano ang kaniyang nanalangin: “At lumakad nang kaunti, siya ay nagpatirapa at nanalangin, “Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.” (Mateo 26:39). Sa kabuuan, tatlong beses na nanalangin si Jesus sa kaniyang Ama na alisin ang “kopang ito.” Isang malinaw na tanong ang lumitaw: Anong kopa ang tinutukoy ni Jesus?
Pansinin din kung paanong tinanggihan ni Hesus ang paginom ng “bunga ng puno ng ubas” ay muling ipinahayag sa tanawin sa Golgota bago siya ipako sa krus: “At sila ay naghandog sa kaniya ng alak na hinaluan ng mira; ngunit hindi niya ito kinuha” (Marcos 15:23). Hindi ipinaliliwanag ng salaysay ang kaniyang pagtanggi, ngunit malinaw na itinuturo nito ang pangako ni Jesus na hindi sya iinom hanggang sa ang kaniyang Kaharian ay mahayag sa “oras ng kaluwalhatian”.
Sa malalim na espirituwal na pananaw, iniugnay sa ebanghelyo ni Juan ang “oras ng kaluwalhatian” ni Jesus sa pinakamataas na pagpapakita ng kanyang pag-ibig sa krus (Juan 3:14, 7:37-39, 8:28, 13:31). Sadyang pinagsama-sama ni Juan ang iba’t ibang mga hibla ng imahe ng Kaharian at Paskuwa sa paglalarawan ng pagsubok at pagdurusa ni Jesus. Ang kahuli hulihang mensahe ay ang sabihin ni Jesus ang mga salitang: – “Naganap na” (Juan 19:30).
Ano ang ‘Naganap na” o “Natapos na”?
Naganap na nga ba ang kaligtasan sa kasalanan ng sanlibutan dahil naghirap at namatay si Hesus sa Krus? Marahil ay hindi pa. Dahil mababasa sa sa sulat ni San Pablo sa mga taga Corinto, “Kung hindi muling binubuhay ang mga patay, hindi rin muling binuhay si Cristo. At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo’y nananatili pa sa inyong mga kasalanan at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng mga namatay na sumampalataya kay Cristo ay napahamak.” 1 Corinto 15:16-18
Sa mga oras na iyon, tamang sabihin natin na naganap na ang pag aalay ng buhay ni Hesus bilang tupa o ‘Kordero ng Diyos’ o alay. Ang gagkaroon ng kaganapan ang lumang tipan na sa pamamagitan ni Hesus bilang ‘Hari’, bilang isang pinaka mataas ‘Sacerdote’ o pari, sa ‘Kaharian ng Diyos‘. Ang kaganapan ng Bagong Tipan at ang pagbago ni Jesus sa liturhiya ng paggunita, pagaalay at pagsamba sa Diyos- Ang Eukaristiya.
Ang paggunita ng kaligtasan ay hindi na ang pagkalaya sa pagkaalipin ng mga Isralista sa Ehipto, kundi guguntain natin ang baging tipan ang pagpapalaya sa atin sa kasalanan sa pamamagitan ng pagaaay at pagbubuwis ng buhay ng Kordero ng Diyos.
Pagkakuha niya ng tinapay, nagpasalamat siya. Pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa kanila. Kaniyang sinabi: Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin.
Sa gayunding paraan, pagkatapos na makapaghapunan, kinuha niya ang kopa at sinabi: Ang kopang ito ay ang bagong tipan sa aking dugo na ibinuhos para sa inyo.
Lucas 22:19-20
Mga Kaganapan ng Lumang Tipan Kay Kristo Bilang Tagapamagitan ng Bagong Tipan. Siya ang Hari, Ang Pari at ang Alay (Lamb)
Kaganapan | Lumang Tipan | Bagong Tipan |
Ang Kordero Ng Diyos Na Walang Bahid Kapintasan | Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, “Ama!” “Ano iyon, anak?” tugon ni Abraham. “Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang tupang ihahandog?” tanong ni Isaac. Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon.” Kaya’t nagpatuloy sila sa paglakad. – Genesis 22:7-8 Kailangang lalaki ang tupa o ang kambing, isang taong gulang, walang kapintasan. – Exodus 12:5 Sapagkat ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay. – Leviticus 17:11 Dahil dito siya’y aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan; sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama. Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila’y patawarin.” – Isaiah 53:12 | Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. – Juan 1:29 Nang makita niya si Jesus na nagdaraan ay kanyang sinabi, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos!” – Juan 1:36 Alisin ninyo ang lumang pampaalsa, ang kasalanan, upang kayo’y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa, at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Cristo. – 1 Corinthians 5:7 Kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya’y tulad ng korderong walang dungis at kapintasan. – 1 Peter 1:19 Pagkatapos, nakita ko sa pagitan ng matatandang pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na ang anyo ay tulad sa pinatay na. – Revelation 5:6 |
Hari sa Kaharian Ng Diyos | Sinabi ni Yahweh, “Ngunit ikaw, Bethlehem Efrata, bagama’t pinakamaliit ka sa mga angkan ng Juda ay magmumula sa iyong angkan ang isang mamumuno sa Israel. Ang kanyang pinagmulan ay buhat pa noong una, noong unang panahon pa.” – Micah 5:2 Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan. – Isaiah 9:6-7 | Habang sila’y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan. – Luke 2:6-7 Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya’t naparito kami upang siya’y sambahin.” – Matthew 2:2 “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” tanong sa kanya ni Pilato. “Ikaw na ang may sabi,” tugon naman ni Jesus. – Mark 15:2 |
Ang Sacerdote at ang damit na walang tastas. | Dinalhan siya ni Melquisedec, hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos, ng tinapay at alak,- Gen 14:18 Si Yahweh ay may pangako at ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” – Psalm 110:4 Ang damit ng pari: “Gumawa rin kayo ng damit na ilalagay sa ilalim ng efod. Ito’y yari sa telang kulay asul. Lalagyan ito ng butas sa suotan ng ulo at lalagyan ng tupi ang paligid ng butas tulad ng karaniwang baro, upang hindi matastas. – Exodus 28:31-32 | Samakatuwid, si Jesus ang Pinakapunong Pari na kinakailangan natin. Siya’y banal, walang kasalanan ni kapintasan man, inihiwalay sa mga makasalanan at itinaas sa kalangitan. – Hebrews 7:26 Kaya’t kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Upang siya’y maging isang Pinakapunong Pari na mahabagin at tapat na naglilingkod sa Diyos at nag-aalay ng handog para mapatawad ang mga kasalanan ng tao. – Hebrews 2:17 Sapagkat ito ang sinasabi ng kasulatan tungkol sa kanya, “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” – Hebrews 7:13-17 Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang kasuotan at pinaghati-hati sa apat na bahagi, isa sa bawat kawal. Kinuha rin nila ang kanyang mahabang panloob na kasuotan; ito’y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. – John 19:23 |