Happy Birthday in Heaven?

Nasa langit na ba talaga sya? Assuming.

Bakit andami daming nag po post sa social media (like Facebook) na binabati nila ang kanilang yumaong mahal sa buhay sa kanilang birthday at ina assume nila na nasa langit na sya? Tama bang i assume nating mga kristiano na at the moment na namatay ang isang tao ay pumupunta na sa langit? Isang ‘positive’ way lang ba ang mga ganitong pag assume na nasa langit na ang ating mga yumaong mahal sa buhay? o mali ang assumption dahil sa maling aral?

Itunuturo ng ating Simbahan at ayon sa bibliya na kapag namatay ang isang tayo hihiwalay ang katawan sa kaluluwa. Haharap ang tao sa isang ‘judgement’ kung mapupunta sya sa langit (diretso o dadaan muna sa purgatoryo) o kaya sa impyerno.

Each man receives his eternal retribution in his immortal soul at the very moment of his death, in a particular judgment that refers his life to Christ: either entrance into the blessedness of heaven—through a purification or immediately—or immediate and everlasting damnation. (CCC 1022)

Para sa mga karagdagang sita sa bibliya: Luke 16:22; Luke 23:43; 2 Cor. 5:8; Phil. 1:23)

Isang particular na paghuhusga ang ipapataw ng Diyos sa kaluluwa (Hebrew 9:27) na ayon sa kanyang ginawang kabutihan o kasamaan sa lupa. Kung sya ay namuhay ng ayon sa inuutos ng panginoon at nilinis ng grasya ng Diyos ang kanyang mga pagkakasala, sya ay papasok sa langit. Maluluwalhati nyang makikita ang Diyos (Beatifc Vision). Subalit kung pinili ng tao noong nabubuhay pa sya sa lupa ang pagtakwil sa pagmamahal ng Diyos at walang pagsisi sa mga ginawang kasamaan ay mapupunta sa walang impyerno. Pagkatapos ng particular judgement ay maghinitay ng ‘final judgement’ sa huling araw na babalik ang Panginoong Hesus at magsasanib na muli ang katawan sa kanyang kaluluwa (Matthew 25:31-32).

Tandaan na ang mapupunta lamang sa langit ay ang perpekto at walang bahid ng kasalanan. Kahit na katiting (venial) sin ay hindi tayo makakapasok kaagad sa langit. Masakit mang pakinggan na sa oras ng ating kamatayan ay mag tanim pa tayong galit sa ating mga kapatid at hindi man lamang nakapagbati ay nawawala na ang ating karapatan sa langit. But wait..

Taglay ng Diyos at Sya ang ang walang hanggan at Dakilang Awa (Divine Mercy). Dinidinig nya ang bawat panalangin ng kanyang mga anak at ng buong Simbahan. Ang mga nagkulang sa timbang (slight imperfection) ay dadaan muna sa pag pupurga (paglilinis) bago makapasok sa langit (Luke 12:59).

Samakatuwid, walang nakakaalam kung saan mapupunta ang kaluluwa kung namatay na ang isang tao, maliban sa pagdedeklara ng Simbahan sa pamamagitan ng ‘canonization’. Sinisiguro na (hindi ina assume) na ang ating yumaong kapatid ay nasa langit na at puede na nating kausapin at humingi ng panalangin na gabayan tayo sa lupa at hingan ng tulong na lalo tayong makalapit sa Diyos. Kaisa na natin silang nag aalay ng panalangin para sa ating mga kapatid na nasa proseso pa ng paglilinis (purgatory) at naghinintay ng Banal na Awa ng Diyos

For for references:

What is Purgatory?

What happens to our Bodies Immediately after we die?

How can I know if my loved one is in heaven?

Leave a Comment