Mga Letra Sa Pintuan

Hindi lahat ng Katoliko ay alam ito. Isa ako sa mga late na nalaman kung anong ibig sabihin ng mga letrang ito. Ang sabi lang sa akin ng pari habang namimigay sya ng stickets sa mga nagsimba sa pista ng tatlong hari: “Idikit nyo sa pintuan ng bahay nyo”

Idinikit ko naman tapos nag Google na ko. That was last 2020.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga letra at numero?

Kalma lang at huwag mahiya kung hindi mo pa alam. Marami tayo.

Sa makabagong panahon, sticket na pero noong lumang panahon, chalk ang gamit nila para isulat sa ‘hamba’ ng pinto ng bahay (entrance). Isusulat ang first 2 characters = first 2 digit of the current year + C + M + B + 22. The letters represents the initials of the three magi namely Caspar, Melchor and Baltazar. Ang huling numero naman ay ang huling digit ng kasalukuyang taon. At ang mga namamagitan naman ay ang krus ni Jesus. Ang mga letra, may ibig sabihin din sa Latin- Christus Mansionem Benedicat – (May Christ Bless This House).

References.

An Epiphany Blessing of Homes and Chalking the Door

The Chalking of the Doors: An Epiphany Tradition Explained

Leave a Comment