Lumapag sa Samar (Homonhon Island) ang maglalayag na si Ferdinand Magellan noong March 16, 1521 at nag karoon ng kasi-kasi (Sanduguan / Blood Compact) sa pagitan niya at ni Rajah Kolambu noong March 29, 1521. Easter Sunday March 31, idinaos ang unang misa sa Limasawa- isang isla sa Leyte.
Nagpahinga pa ang mga manlalayag ng isang linggo at napag alaman nilang may mas mayaman na isla ang Cebu. Lumayag si Magellan at tumapak sa Cebu noong April 8, 1521. Sa tulong ng kanyang alipin na si Enrique, na isang Malay, nakipag kaibigan na naman si Magellan sa mga tribu at nakipag palitan ng regalo kay Rajah Humabon. Sinasabi din na nagkaroon din ng blood compact sa pagitan nila.
Ang asawa niyang si Hara Humamay or Hara Humahay ay ang tumangap ng imahe ng Sto Nino.
Fast forward tayo. Later after 44 years, Miguel Lopez De Legaspi, reached the Cebu waters on February 13, 1565. Hindi sila bumaba dahil sa pagtutol ng mga tribu bagkus ay bumaba sila sa Leyte. Tinanggap naman sila ni Datu Urrao. Naglayag na naman sila papuntang Limasawa at Bohol. Sa Bohol nakipag kasi-kasi (Blood Compact) sya kay Datu Sikatuna.
Noong April 27, 1565, matanggumpay syang nanalo sa mga lumabang tribu ni Rajah Tupas (pamangkin ni Raha Humabon). Isa sa mga sundalo ni Miguel Lopez De Legaspi na si Juan Camus ay nakakita ng isang baul na naglalaman ng imahe ng batang si Jesus sa isang nasusunog na bahay. Ang imahe ay pinaniniwalaan na syang binigay ni regalo ni Magellan kay Raha Humamay.
Sa galak ng mga paring Augustitian at ni Miguel Lopez De Legaspi, ini utos nyang maging pista ng Sto Nino ang April 28 bilang paggunita at parangal sa pagkakahap ng imahe na nagtaon namang pista ng Kabanal-banalang Ngalan Ni Hesus – Most Holy Name of Jesus. Tandaan na noong panahon na yon kanya-kanya pa ang pagpi piesta ng mga lokal na simbahan, probinsya, kolonya at mga religious orders.
Noong December 1721, isinama ni Pope Innocent XII sa kalendayo ng simbahan at gawing iisa na ang pista ng Kabanal-banalang Ngalan Ni Hesus na sya din namang petsang ipinagggugunita ng mga Franciscans, Carmelites at Augustinians. Ito ang pangalawang linggo pagkatapos ng pista ng Epipanio o pangatlong linggo ng Enero.
Ngayong taong 2023, ang kapistahan ay pumatak sa sa January 15, 2023.
Viva Pit Senyor!