Ang baha ba sa Pilipinas ay ang paraan ng pagpapataw ng parusa ng ating mapagmahal Diyos dahil sa napakalaking kasalanan at korapsyon sa pamahalaan, sabwatan ng mga iilang politiko at mga ganid na kontratista sa gobyerno?
Isa ba itong halimbawa at kapareho ng kwento sa bibliya tungkol sa Malaking Baha noong panahon ni Noah, na dahil sa kasalanan at pagtalikod ng mga tao sa Diyos ay nilubog nya ang mundo?
Sa kwento ng Arko ni Noah at iba pang kwento ng pagtaliko sa Diyos sa lumang tipan, pinarusahan ng Diyos ang mga masasamang tao hindi dahil sa ito ang “ganti” kundi nagsisilbing paalala, maibalik ang kaayusan, dinadalisay ang makasalanan, at pagbibigay pag-asa sa isang pagbabagong-buhay.
Sa kaso naman ng pagbaha sa Pilipinas, ito ang halimbawa ng Natural na Kahihinatnan (Natural Consequence) na hinayaang magyari ng Diyos ayon na rin sa ‘Order of Creation’ o Natural Law. Bunga (consequence) ito ng isa kasalanan at masamang gawain na hindi naaayon sa utos ng Diyos. Ang pagiging gahaman ng ilan at pagnakaw sa pondo ng flood control project ang naging sanhi paggamit ng mababang uri ng material o kailanman walang ginawa sa proyekto (ghost project) at ibunulsa na lamang ang pera.
Ang buod.
Ang Banal na Kaparusahan (Divine Justice) ay isang maganda, pagtutuwid na gawa ng katarungan ng Diyos na naglalayon sa pagbabagong loob at paglilinis ng makasalanan.
Ang mga Natural na Kahihinatnan ay ang mga ordinaryong kinalabasan ng isang hindi magandang pagpili at paggawa na hindi naayon sa kalikasan. Hindi ito iniutos nga Diyos kundi ‘hinayaan’ nyang mangyari ang kahihinatnan.
Nakikita ng Simbahan ang pagkakaiba sa pamamagitan ng pagsusuri sa layunin, at kaugnayan sa kalooban ng makasalanan, na laging naghahanap ng mas malalim na pag-ibig-at-katarungan ng Makapangyarihan.
References: