‘Riti Settennali Si Penitenza’ ang tawag ng mga Italiano sa isang religious festival na nagaganap tuwing ikapitong taon sa lungsod ng Guardia Sanframondi. Ginaganap ito sa piesta ito nang Assumption – August 15 na may kaakibat na pananakit sa sariling katawan. Mahahalintulad ito sa Pilipinas na ginaganap naman tuwing Semana Santa.
Ang pinagmulan ng pagdiriwang ay hindi tiyak. (basahin ang Encyclopedia ng Simbahan) Ang ilang mga tao ay nangangatwiran na ito ay nagmula sa isang pre-Christian na paganong tradisyon ngunit maraming mga mananalaysay na nagsimula ito sa noong 1260. Sinmulan ito ni Raniero Fasanai, isang Reformer sa relihiyon, at ng kanyang mga kasmahang plahelante sa Perugia at ikinalat ito sa buong Italya. Ang pinaka sinaunang dokumento tungkol sa pagdiriwang ay isang makasaysayang dokumento mula 1620 na natagpuan sa Guardia Sanframondi.
Inilalarawan nito kung paano nagpasya ang mga mamamayan ng Perugia na bumuo ng isang prusisyon para sa Birheng Maria sa pag-asang wakasan ang taggutom noong mga panahon na iyon. Naging opisyal ang prusisyon noong 1654 at ginamit ito noong nagdaan mga panahon ng pahihirap sa lungsod,
Pagkatapos ng WWII ito ay naging isang tradisyon na inuulit kada ikapitong taon. Ang prusisyon ay karaniwang nagsisimula sa Sabado at tumatagal ng isang linggo.
Ang Guardia Sanframondi ay nahahati sa apat na magkakaibang distrito, na ang bawat isa ay kumakatawan sa isang imahen sa Bibliya, ang buhay ng isang Santo o ang kasaysayan ng Simbahang Katoliko. Ang ‘misteryo ng mga pananakit sa sarili’ ang may pinakamalaking bilang ng mga kalahok, at partikular na sikat dahil kinasasangkutan nito ang libu-libong tao na naghahagupit sa kanilang sarili.
Tinatakpan ng mga lokal ang kanilang sarili ng mga puting maskara at gumagamit ng isang piraso ng tapunan na natatakpan ng manipis na karayom upang hagupitin ang kanilang dibdib hanggang sa sila ay dumugo.
Ang naturang movement na kumalat sa Europe ay kinondena ng Catholic Church at opisyal na idineklara itong heretical ni Clement VI noong Oktubre 20, 1349 at inutusan ang mga pinuno ng Simbahan na sugpuin ang mga kilusan. Ang posisyong ito ay pinalakas noong 1372 ni Gregory XI na nag-uugnay sa mga Flagellant sa iba pang mga pangkat ng mga erehe.