Ang relihiyon ba ang dahilan ng paghihirap ng isang bansa? Ayon sa statistics ng Gallup na inilathala noong 2010, na base sa survey noong 2009, ang mga sampung (10) sumusunod na bansa ay nagsasabing (98-99%) ay importante sa kanilang buhay ang relihiyon– Banglades, Niger, Yemen, Indonesia, Malawi, Sri Lanka, Somaliland, Djibouti, Mauritania at Burundi. Ang mga nabanggit bansa ay mahihirap na may per-capital GDP mababa pa sa $5,000.
“Religion is the opium of the people.”
German sociologist and economic theorist Karl Marx
Ang sabi ni Karl Marx: “Religion is the sigh of the oppressed creature, the heart of a heartless world, and the soul of soulless conditions. It is the opium of the people”
Ano ba ng opium? Ang opium ay isang gamot na iniinom para maibsan ang pananakit sa katawan (physilogical) at psychohogical. Nagdudulot ito ng ginhawa, pagtulog, pagka relax, ngunit ang paginom ng labis ay nakakasama at nakamamatay. Nakaka addict ang paginom kaya ipinagbawal ang paggamit nito.
Ang pagiging relihiyoso ba ang dahilan ng paghihirap ng isang bansa? Sa report ng Gallup, 65% responsdents sa US ay nagsasabing importante sa kanila ang relihiyon. Ayon naman sa Pew Research Center, 4% lamang ng mga na survey ay nagsabing wala silang relihiyon (Atheist). Ibig sabihin walang direktang relasyon na kapag relihiyoso ang isang bansa ay may inklinasyon o nahihilig sa kahirapan. Sa madaling salita, hindi dahilang ang religion sa pagiging mahirap ng isang bansa.
Kung susuriin natin ang sinabi ni Karl Marx, may katotohanan ito sa perpektibo ng mga taong naghihirap na naghahanap ng ginhawa. Hindi ibig sabihin na kapag ang isang tao o bansa ay mayaman ay iniiwanan na ang pagiging relihiyoso.
Dapat siguo ang tanong ay “Bakit mas mataas ang religiosity sa mga bansang mahihirap?”.
Obvious ang sagot:
Sapagkat naniniwala sila na Diyos lang ang makapag bibigay sa kanila ng pag-asa, kawalan ng hustisya, kawalan ng dignidad, kawalan ng karapatan pantao at kalayaan na hindi maibigay ng mga nangakong korap at abusado nilang gobyerno.