Sa hinahaba haba ng panahon na pinagiisipan ko kung bakit patuloy na dumadami ang mga ‘sekta’ ng Kristianismo, ngayon ko na realize na eto pala ang dahilan ng pagkawatak-watak magmula noong nag simula ang Reformation.

Base sa argumento ng butihing Evangelical Pastor sa Pilipinas, hindi na importante kung Calvinist ka, Lutheran ka, Catholic ka, Iglesia ni Cristo ka, miembro ka ng grupo ni Quiboloy, taga sunod ka ni Eli Soriano, etc. Andami kong babangitin talaga.  Ang importante ay ang iyong mabuting pamumuhay na naayon sa “libro” o banal na kasulatan o ‘bibliya’.

Hindi ko alam kung ganyan din ang paniniwala ng ibang sektang bagong usbong pero kung susuriin mo ang paniniwalang ito, nagpo promote ng indibidualismo at pagkawatak-watak. Hindi nga bat iyan ang ayaw ni Kristo yan? Bago nga sya hinuli sa Getsemane, yan na ang pinaka dasal dasal nya --ang pagkakaisa ng mga bininyagan. Siguro nakikita na nya sa hinaharap na yan ang mangyayari.

Imagine, puedeng magbasa ka na lang ng bible sa bahay mo at sundin mo ng tapat ang mababasa mo. At kung mabasa mong kailangan mo ng suporta o maglingkod sa church, sinong pupuntahan mo? Puedeng magtayo ka na lang siguro ng sarili mo chuch kung sa palagay mo ay mali ang mga ‘interpretasyon’ ng ibang churches kumpara sa iyo. Kung ayaw mong umanib sa mga grupong ito dahil andaming rapist, child molester, gahaman sa pera, babaero, sugarol, lasenggo, tsismosa, mahalay at iba-iba pang mga kasalanan at gawi na taliwas sa turo ni Kristo aba e magsarili ka.

So whatever na lang. O kaya,sumama ka na lang sa grupong masaya, may positive attitude, relax, hindi boring ang Sunday service (or gusto mo Sabado), madalas mag bible study, palaging may concert, ang ganda ng Church (aircon) at ang pinaka okay ay yung kasama mo yung crush mo. Paano naman sisigla ang buhay mo kung antatanda na ng mga ka church mo. Ang susungit pa ng Pastor o Pari. Dapat cool.

Preno ka. Kahit saang verse mo hanapin, hindi sinabi Kristo na ‘cool’ ang maging Kristiano. Krus nga ang papasanin mo, haler. So pano na?

May tip ako sayo. Go ahead magtayo ka ng church na sarili mo. Kung kaya mong aralin ang history, exegesis, theology, philosophy, basahin ang mga libro ng mga best Christian authors magmula sa mga unang unang siglo ng Kristianismo katulad ni Ignatius na taga Antioch, hanggang sa mga best insipirational writers na si Rick Warren. Sama mo na si Augustine at si Luther. Kaya mo pa? Go on.

Next, pag ready ka na.

Kailangan mong ng isang pagbabasbas ng isang elder o Obispo. Ika nga, you should be ‘sent’. Nasa bible yan, hindi ka lang nabinyagan pero kailangan kang ‘ordinahan’. Kanino ka papa ordin? Sa kapit bahay mo na lang. Sino nag ordin sa kanya? Ang sino nag ordin sa nag oridin ng kapitabahay mo? Importante ba yon? Sasabihin ng bawat sekta ngayon, importante yon. Papaano nila mapapatupad ang tamang turo kung hindi natin susudan ang salin-salin ng pananalig. Pass the baton sabi nga nila. Dala dala mo dapat ang tamang doctrina o tamang ‘interpretasyon’ ng grupong inaniban mo. Okay ka pa ba? Good.

Congratulations! Nakapag tayo ka na ng church in other words ‘you have successfully planted’ a church. Isa ka ng sekta! Wait lang, wala ka pang federasyon na kabibilangan. Bahala ka na kung anong feredation ime-member ang church mo. At dapat susunod ka sa mga rules na in-impose nila. May president siempre. Parang si Peter. Head ng mga heads. Prime minister ng mga ministers.

Eto naman ang challenge mo.

Ang iba sa mga taga sunod or members ng church mo ay na realize na din na hindi importante kung Calvinist ka o ano pa mang sekta, basta ang importante namumuhay ka ng naayon sa libro. Naku, iiko-ikot ulit tayo and multiply na tayo. Forty-Five thousand denominations na sa buong mundo!

Natupad mo ba ang wish at dinasal ni Kristo?


Let there be no divisions in the church. Rather, be of one mind, united in thought and purpose” ( 1 Cor. 1:10)