perugino1 the_last1 vatican1 vatican2

Nakatuwang maglaro ng ‘relay’ games lalo na kapag may party. Iba ibang klase ng laro kada party pero madalas pare-preho lang ang tema at objective: Kung sinong pinaka mabilis na matapos sa relay, siya ang panalo.

Meron akong na attendan na party na meron ding ‘relay’ game pero may pagkakaiba. Hindi bagay ang pinapasa mo tulad halimbawa ng straw, kalamansi, itlog, atbpa kundi ang ililipat mo sa kasunod mo ay isang mahabang mensahe. Para na syang isang maikling kwento. Babasahin or imememorize ng unang player ng bawat koponan ang mensahe at tsaka ibubulong sa susunod na manlalaro matapos makaikot sa isang obstacle course. Ang huling maka tanggap ng mensahe ang siyang tatakbo sa mikropono at isisigaw ang message. Nakakatuwang malaman na kadalasan mali ang isinigaw kumpara sa original na isinulat na mensahe.

Habang naalala ko pa yung laro, naisip ko tuloy na hindi kaya nagkaroon din ng “lost in transmission“ sa mga turo ni Jesus magmula sa mga unang apostol hanggang ngayong panahon ngayon? Nakapangamba namang isipin yun dahil kapag may nawala o naiba ngayon sa mag aral at turo ni Kristo magmula ng 33 siglo, malamang lahat tayo ngayon sumusunod sa mali.

Sabin ng kaibigan ko, naisip na daw ng Panginoon yang scenario na yan kaya binigyan nya ng inspirasyon at inutusan ang mga lahat ng may akda na isulat ang kanyang buhay, mga aral at mga salita nya na patungkol sa kanya at katotohanang nauukol sa kaligtasan. Mukhang tama ang kaibigan ko pero parang may kulang.

Unang-una wala akong makita sa buong bibliya at least sa mga libro sa bagong tipan na nagbigay ng instruction si Jesus sa kanyang mga alagad na magsulat tungkol sa kanya. Mas okay nga kung ang Panginoon na mismo na ang nagsulat ng mga aral nya at mga bagay na tungkol sa kanya para sigurado pa. Parang autobiography ba. Hindi ko lang matandaan ang isang event na nagsulat sya pero hindi sa papel kundi sa lupa lang. Uso naman na ang papel at tinta noon.

Hindi naman nahulog ang bibliya mula sa langit kundi nabuo ito ng unti-unti at nakumpleto lang at nafinlize ng mga lider ng simbahan noong ikaapat na siglo. Akala ko nga noon nahulog lang ang bible galling sa langit, hindi pala. Sa panahon ni Jesus, ‘old testament books’ lang ang laman ng ‘bible’ at yun ang kanilang binabasa sa singoga at sa loob ng templo. Ang tanong: Anong version kaya ang binabasa nya? Sa pag kakaalam ko, madami ring version ang ‘old testament’ na ginagamit ng mga hudyo. Wala pa silang ‘canon’ noon o yung opisyal na content ng scripture. Kaya pala may mga secta din sa Hudaismo.

Sa sentro ng spiritual at moral na pamumuhay ng mga Hudyo (kasama na si Lord at mga apostol dun), ang ‘scripture’ ang kanilang basehan sapagkat ito ang ‘salita’ ng Diyos. Maraming instances sa ‘bagong tipan’ na nagko ‘quote’ si Jesus at ang mga apostol ng verse galing sa ‘old testament’ books, para magbigay patunay na katotohanan ang kanilang mga sinasabi, lalo na ang mga ‘hula’ patungkol sa kanya bilang manunubos. Kung wala namang reference sa ‘old testament’, malamang verbal lang na sasabihin ng mga apostol na yun ang ‘sinabi ng Panginoon..’ para patunayan at patotohanan ang kanilang mga sinasabi. Nakasama at nakasalamuha nila ang Panginoon kaya kapanipaniwala ang kanilang sinasabi bilang ‘first hand’ witnesses sa kanyang pagkamatay at pagkabuhay muli. Paano kung ‘second hand‘ witness and nangangaral?

Kung ‘relay’ game lang ito, malamang nga may mali na sa pangalawa at lalo na sa dulo. Sa panahon ngayon, apat na ebanghelyo na sinulat ng ‘first hand’ witnesses ang ating nagiging sandigan o reference sa mga gawa at turo ni Jesus. Wala kayang ibang ebanghelyong nasulat pa? Mukhang meron pa. Kung iisipin mo, bakit apat lang? Bakit hindi sinama ang ebanghelyo ni Thomas, ebanghelyo ni James, ebanghelyo ni Magdalena at ng iba pang apostol?

Tama ang kaibigan ko na naisip nga ni Lord ang scenario na iyan na mag kakalituhan ang mga susunod na henerasyon sa pinamana nyang mga turo at aral kaya minabuti niyang magtayo ng iglesia o simbahan o church at hindi printing press. Ang iglesiang ito ang maniniguro na ang lahat ng katotohanan at mga pangaral nya tungkol sa kaligtasan ay mananatiling protektado sa kamalian. Ito ring ang nag iisang iglesia na pinamahala at pinamuno nya kay Pedro.

At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit – Mateo 16:18-19

Ang kulit ni Lord. Tatlong beses pang sinabihan si Pedro na pakaainin ang kayang mga tupa (Juan 21:15-17). Ang (pamunuan ng) iglesia ang mag papasiya kung ano ang tama (Mateo 18:15-17) dahil siya ang sandigan at haligi ng katotohanan (1 Timoteo 3:15). At sa totoo lang, hindi matatalikod at hinding hindi nya iiwan ang iglesiang ito (Mateo 28:20). Kung meron mang mag sulputan na bagong iglesia na wala sa team na nagre ‘relay’ (apostolic succession), malamang huwad na iglesia to.

Matindi ang authority at mga pangako na binigay ni Lord sa iglesia. Parang ganito ang intindi ko sa mga salita nya: Itatayo ko ang aking iglesia at pamumunuan mo ito Pedro. Huwag kang magalala at sisiguraduhin kong tama lahat ang sasabihin nyo (dahil nasa inyo ang Espiritu Santo). Anuman ang desisyon nyo ay desisyon ko na rin. Whew!

Sigurado ako, walang ‚lost in transmission‘ sa ‘relay’ sa larong ito. Nakasulat man o Oral Tradition. Panalo ang koponan ni Pedro dahil hindi sinungaling ang nagtayo nito at tinupad nyang lahat ang kanyang mga pangako an hindi mananaig ang ‘kamalian’ magpakailan man.

Login Form